Sunday, October 5, 2008

Ang Tsinelas Ni Pepe

(ps.... my son needed an anecdote about Rizal in Filipino... so I wrote one as I coulndt find one my fancy)


Ang kadalasa'y sinasabi nila sa mga kabataan, ay wag magtapon ng mga bagay at ito'y pagsasayang. May mga pagkakataon na kapag nawala ang isang kabiyak na pares o gamit, ay isinasantabi na amang natin ang gamit na yun pagkat ito'y wala nang pag-gagamitan.


Tunghayan natin ang isang silip sa buhay ni Pepe; tawag sa ating bayaning si Jose Rizal nang siya ay bata pa lamang.


Nang si Pepe ay nasa edad na sampung taon, siya at ang kanyang Kuya Ponciano ay pumunta sa isang pista sa may kabilang pampang ng Laguna de Bay. Nuong mga panahon na iyon, napupuno ng mga nilad (water Lily) at medyo malakas pa ang agos ng tubig. Habangsumasagwan ang bangkero ay tuwang tuwa si pepe na nilulublob ang kanyang kaliwang paa na may suot na Tsinelas na bigay ni kanyang Kuya Ponciano.


"Ang sarap maglaro sa tubig. Ang Lamig!!!", ang sambit ni Pepeng nakangiti at kumakaway sa mga tao sa pinagdaraanan nila.


"Mag-ingat ka anak," ang wika ng bangkero, at baka malaglag ang iyong suot na pangyapak (ang tawag nuon sa Tsinelas)"


"Inay", biglang sigaw ni Pepe,nadulas ang kanyang paa, at akmang nahawakan ng kanyang Kuya ponciano ang kanyang bisig, "Salamat po Kuya."


Subalit, mabilis naman hinubad ni Pepe ang kanyang pangyapak, nagdasal ng taimtim, sabay inihagis ang tsinelas sa direksiyon ng pinaghulugan ng kanyang kapilang paris na pangyapak.


Nabigla ang bangkero; at nagtanong, " Pepebakit mo ihinagis ang kanang kapares ng iyong tsinelas?".


"Kawawa po ang batang makakatagpo ng kaahating paris lamang ng tsinelas kaya tinapon ko na rin ang kabilang paris", wika ni Pepe, "Sapagkat kung makikita iyon ng isang batang nakayapak, magagamit rin iyon ."


Natawa ang bangkero, naisip niya na tila ang isang batang ito y hindi nag-iisip ng kanyang sinasabi


Subalit, nang makarating sila sa pampang sa kabilang dulo,tumawa si Kuya ponciano at nagsabi, "Mama, hindi po sa hindi nag-iisip si Pepe, subalit iniisip ni Pepe sa sana ay may makagamit pa ng kanyang panyapak na nawala".

No comments: